alam mo ba yung feeling ng nakaksakal na sa bahay? yung tipong hinde mo na alam kung anong ikikilos mo kasi bawat galaw mo sinisita.. mali . lahat nalang ng gawin mo hinde pwedeng maging tama.
minsan nakaksawa din eh. hay.
nakakainis lang kasi ang saya saya ko na tpos paguwi mo masasakit na salit nanaman maririnig mo. ;(
hinde ba sila nagsasawa? hinde ba pwedeng supportahan nalng nila ako? hirap ng ganito eh. SAKAL NA SAKAL nako.... anu pa bang gagawin ko.. kaya ito i decided na umakyat kagabi sa maculot..
sumakay ako ng bus madaling araw halos 1 hr lang byahe ko sa bilis ng bus .. kala mo may karera sa slex eh. mejo bumilis tibok ng puso ko sa kaba. pero ok lang sa kabilang side ng utak medyo akoy sumaya. hahaha adrenaline rush nanaman pag may nagyaring di maganda.. knock on wood.
5am na nag start nako mag trek.. lol kabado ako feeling ko may sumusunod sakin.. dun ko napatunayan mas mabilis pala pag magisa ka lang. nasa rockies na ko ng maliwanag na.. nagaalmusal na lahat ng campers.
buti nalng may dala akong delata kaya kumain muna.. sa rockies dun ako nagisip. sana pag uwi ko ok na lahat. nagdasal na din ako syempre feeling ko kasi andun lang si God nanunuod sakin sa harap ng magndang view ng taal. so ayun moonie moonie na .. enjoy the view bati sa mga taga bundok goodmorning maam ser. sabay baba na. mabilis lang ako sa maculot gusto ko lang palitan ng malinis na hangin ang baga ko.... kaya byumahe nako pauwi............
God thank you.. natupad ata dasal ko. pagdating ko ng bahay binati agad ako ni nanay. ;) namiss ata ako.. saan daw nanaman ako galing. mejo galit pero masaya ako kasi kuinausap nya nako. eh hinde nya naman nako kinakausap one week na. ;) haaay sana tuloy tuloy na..
maraming salamt mr. blog spot! hanggang dito nalang ang liham ko salamat sa atensyon mo.
muli,
kamoteng ungas.
No comments:
Post a Comment