umaga na gising parin ako. kakauwi lang namen galing ng andoks at mercatto.
busog parin at solb nako. isang linggong pasarap kelangang tigilan na ito,
panahon na ulit para maghanap ng trabaho.
isang linggong nagpasarap.. kelangan ko namang maghirap
career ko sa buhay hinde ko na alam ang patungo.
halo halong desisyon na sa utak koy nagtatagpo.
Nurse, office work, sundalo at pagpupulis
anu senyo ang aking uunahin. hinde ko na alam saan ko sisimulan at tatapusin.
isang malaking desisyon kelangan mo ng gawin.
kung anung gusto mo yan ang kelangan mong piliin.
Lord please po guide me. I need a work to support my family.
sana po maibigay na sakin kung anung nararapat.
ituro nyo na po ang daan sa daang karapatdapat.
dahil jan kelangan ko na talagang ayusin buhay kong ang takbo ay di matulin.
sa aking sarili magsisimula. iwas iwas muna sa mga bisyong nakakalula.
at sana kahit dahan dahan. gusto ko naman talaga itong tigilan.
ngunit akoy nahihirapan sapagkat itoy nakagawian.
sana man lang may mangyari na sa lahat ng ito. para ang buhay koy mabago.
magandang gabi matutulog na ako. amen.
This might help:
ReplyDeleteFigure out what you love to do - what God gave you a heart to do - and then do it for His glory ~Purpose Driven Life
*winkwink*