Monday, February 20, 2012

Society of Lost Explorers Resbak sa Mt. pulag in cooperation with A.t.o.m.s

3 araw sa piling mo aking mahal

isang taon na ang nakalipas mula ng pangarapin kita
sinabi ko sa sarili sa takdang panahon makakamtam din kita
unang beses ng kitay ligawan, wagas naman ang ulan
sinaktan mo ang puso kong nangangarap sayo

ngunit sinabi ko saaking sarili hinde hinde kita susukuan
its worth the pain naman!
isa kang dalagang mailap , mahirap suyuin, lagi mo kong iniiwasan
 kelan ko kaya makakamtam ang matamis mong oo.


ilang buwan din akong naghintay para lang sa kagandahan mong taglay.
resbak sa mt. pulag ang sagot sa mga tanong ko
kasama ang aking mahal na grupo (sole) at ang matikas na (atoms)
ikaw ay aming sinuyo. kami ay hinde nabigo pagdungaw sa bintana
ng iyong kagandahan kasiyahan ang aking naramdaman.



hinde ko mainitindihan anung ligayang naramdaman
sa piling mo para akong nasa isang paraiso
kung saan ikaw lang ang aking mundo at ako lang ang umiikot sayo.
bawat daan aking dinamdam, bawat oras na kasama kay sinulit.
kung may pinakamasayng tao sa mundo ng mga sandaling iyon
asahan mo ako yon!.




ngunit hinde nagtagal bangis mo ay pinaramdam
dahan dahan mo akong sinaktan, 
kapalit ng iyong kagandahan ay pait na sobrang lupit.
ang aking puso ay iyong dinurog sa bagyong iyong pinarating.
buhas ng ulan kami ay yong nilunod , at sa iyong lamig akoy pinamanhid.
isang gabi ng lagim. isang gabing muntik na akong sumama sa liwanag.
hinde ko alam kung bakit ngunit unti unti akong nabuhay. unti unti akong lumakas
ng makita kitang nahihirapan. kalimutan na ang lahat mailigtas kalang!






isang matinding pangyayari ang iyong ibinigay
ngunit hinde hinde ako magsasawa sa iyo
patuloy na ikay babalik balikan
iyong ganday hinde pagsasawaan!
summit "sea of clouds" iyong matamis na oo sana ay makamtan!



slideshow for bunso dahil hinde sya nakasama sa kanyang birthday climb!



Maraming salamat Mt. Pulag hindeng hinde kita malilimutan, 
dahil sayo narealize ko kung gano kasarap mabuhay!






No comments:

Post a Comment