Ala singko ng umaga, ginising ako ng aking ama
hoy batulao anung petsa na tumakbo ka muna
ang taba mo na!
tinatamad pa ngunit pinilit binuksan ang mata
wala pang maayos na tulog simula ala una
pinilit kong buksan ang aking mata
kahit akoy antok na antok pa.
tiningnan kung may mensahe sa cellphone kong
luma pa kay chitae.
"no message recieve" naibulong sa sarili.
baka kasi nagtxt sya.
pampagana ay pampangiti lang sa umaga.
dali dali akong nag gayak at tumalima sa aking ama,
tumakbo ng tumakbo duon sa serendra.
napagod ako at nagpahinga
kaya sa may tabi akoy umupo muna.
dumampi ang hangin sa aking mukha
malamig, masarap, ligaya aking nadama.
habang nakatingin sa malayo aking napuna
Pebrero na pala!
ito na ang buwan na hinihintay ko
ito na ang buwan ng pagbabago
aking kaarawan nalalapit na
kelangan kong maging masaya,
akoy saglit na tigilan.. bukod pala sa aking kaarawan
may isang araw din akong inaabangan
Valentines day kung tawagin ng ilan
sana ito ay maranasan.
at ngayong taon ang aking layunin
buksan ulit ang puso kong tigib sa kalungkutan.
pero wala namang problema dyan
sa ngayon ay meron ng kasagutan
sana nga lang pagbigyan.
pero pagamin palang ang unang kalaban
pag tinorpe ka nga naman
kahit pahaging man lang sana kanyang malaman.
bago pa ako mapaamin sa blog na ito
kelangan ko na tong putilin (hehehe)
basta soon malalaman din nya
malalaman mo din ba?
Buwan ng pebrero hayaan mo ako
na damhin ang pagibig mo!
naway maging masaya at makabuluhan ang buwan na ito
sa lahat ng mga magdaraos kasama ko!
isang kasabihan muna bago ko tapusin ito:
"Lagi mong tatandaan, kahit gaano ka-USELESS ang tingin mo sa sarili mo,
isa ka pa rin sa mga rason kung bakit may masayang tao"
- ito ang lagi kong sinasabi sa sarili ko pag nabibigo ako! balang araw alam ko na magiging masaya din ako kapalit ng mga paghihirap at sakripisyong ginawa ko. ;) syempre ikaw rin kaya wag ka magaalala no! dami dami jan eh. hahahaha. parang ako diba? andito lang. lol!
share ko lang to: try try lang ako mag edit edit ng pictures sa adobe.
nagaaral ako ng vector art dito ako napunta sa silhouette. failed! hahahaha.
No comments:
Post a Comment