Monday, February 27, 2012

good guys vs bad guys

two thirty four am.. two bottles of empi lights down.

wala lang.. gusto ko lang itanong bakit ganun. pag nice guy ka. ayaw kang masaktan .. i mean bakit pag bad guy ba ok lang maghintay.. dahil ok lang sila masaktan hehehe. hinde ko maiwasan magtanung eh.

sabi nga nila...bad guys gets the good girls..bad girls like bad guys.. good girls dont want to hurt good guys. good guys want to be with good girls.  bad guys makes good girls suffer. bad guys makes bad girls suffer.good guys suffer from good and bad girls. may gad labo ko.

 bakit hinde  nalang pwede yung good guys sa good girls.. hahahaaha ito ang reality

good guys are willing to wait and to get hurt just to prove to them how much they like or love someone. yet in the end they got friendzoned.

anung meron sa bad guy na wala sa good one hahaha can somebody explain this to me.  anyway kuro kuro lang naman ito. love is love. kung malaglag ka man sa good or bad... tulad nga ng sinabi ko. its worth the risk. its worth the pain.. hahahaha sana lang marealize ng good girls na ... hahahaahaha good guys are worth it too.

siguro boring lang ang good guys. but promise in the end they will make a way to make that someone happy. believe me.


pasensyahan nyo ng ang kamote .. napaisip dahil sa movie na i love bethy cooper hahaha

Thursday, February 23, 2012

San Pedro slash Sampaguita day


Dalawang linggo na ang nakakalipas simula ng pagisipan ko kung anong ireregalo ko sa taong nagpapasaya saakin sa loob ng tatlong buwan buhat ng siyay makilala ko.


hahaha. hinde ko akalain gagawin ko ulit ang mga bagay na ito, kasi nagtampo nako sa buhay nung nakaraang taon. hinde ko akalain na may isang tao pa palang bubuhay ng
 kasiyahan kong ibinaon ko na sa lupa matagal ng panahon.
At dahil kaarawan nya. gusto kong bumawi sa pagpapasaya nya sa aakin. pagpapasayang hinde nya alam.. hinde nya alam na napapsaya ako.. oh diba market-market paulit ulit magets mo lang oh malabo parin? ;))


          kaya akoy nagisip ito bay tutuo o isang panaginip? bote lang sya ngunit akoy   nabighani! pinturahan ko kaya para syay mabighani! bote ng chocolate kasama nya na palagi!


 hinde talaga ako marunong sa pintura.. hinde ko talent ito. wala akong skills sa ganitong larangan! pero kahit anu susubukan ko mapasaya lang ang taong ito! ;) tatlong araw kong pinagisipan anong ilalagay dito. hinde ako makapgdecide kaya sya ay tinanong ko. sinong cartoon character ba ang gusto mo? cartman sabi nya.. oh may G sino sya. google agad hinde ko kasi kilala hahahaha. american cartoons hinde ko hilig . sa anime lang ako kinikilig. XD

(cartman)


dahil jan nakaisip nako ng iba pang ilalagay ko. so nagdrawing ako ng silhouette ng picture nya na may hawak na cam ang fav hobby nya! ;)  
sa kabilang side naman ang comic pic nya ngunit hinde ko na ilalagay hahaha dahil tinatago ko ang identity nya lol.. kita naman first name no need na pala dapat hahahaha! 


at syempre dahil mahilig sya sa chocolates at gustong gustong nakikita ang mukasim shot nya habang kumakain ng choco cake. isang choco fudge from red ribbon ang gusto kong makitang kinakaen nya at may mukhasim shot ulit ;)) -paulit ulit nanaman 



Syempre ang tutuldok sa lahat! red rose ... ;) eh kasi eh kasi eh kasi.. hahahaha  alam nya na un ;)) 


muli MALIGAYANG ARAW ng mga SAMPAGUITA at San Pedro Day saiyo patatas! ;) 
HAPPY BIRTHDAY! ;)


Monday, February 20, 2012

Society of Lost Explorers Resbak sa Mt. pulag in cooperation with A.t.o.m.s

3 araw sa piling mo aking mahal

isang taon na ang nakalipas mula ng pangarapin kita
sinabi ko sa sarili sa takdang panahon makakamtam din kita
unang beses ng kitay ligawan, wagas naman ang ulan
sinaktan mo ang puso kong nangangarap sayo

ngunit sinabi ko saaking sarili hinde hinde kita susukuan
its worth the pain naman!
isa kang dalagang mailap , mahirap suyuin, lagi mo kong iniiwasan
 kelan ko kaya makakamtam ang matamis mong oo.


ilang buwan din akong naghintay para lang sa kagandahan mong taglay.
resbak sa mt. pulag ang sagot sa mga tanong ko
kasama ang aking mahal na grupo (sole) at ang matikas na (atoms)
ikaw ay aming sinuyo. kami ay hinde nabigo pagdungaw sa bintana
ng iyong kagandahan kasiyahan ang aking naramdaman.



hinde ko mainitindihan anung ligayang naramdaman
sa piling mo para akong nasa isang paraiso
kung saan ikaw lang ang aking mundo at ako lang ang umiikot sayo.
bawat daan aking dinamdam, bawat oras na kasama kay sinulit.
kung may pinakamasayng tao sa mundo ng mga sandaling iyon
asahan mo ako yon!.




ngunit hinde nagtagal bangis mo ay pinaramdam
dahan dahan mo akong sinaktan, 
kapalit ng iyong kagandahan ay pait na sobrang lupit.
ang aking puso ay iyong dinurog sa bagyong iyong pinarating.
buhas ng ulan kami ay yong nilunod , at sa iyong lamig akoy pinamanhid.
isang gabi ng lagim. isang gabing muntik na akong sumama sa liwanag.
hinde ko alam kung bakit ngunit unti unti akong nabuhay. unti unti akong lumakas
ng makita kitang nahihirapan. kalimutan na ang lahat mailigtas kalang!






isang matinding pangyayari ang iyong ibinigay
ngunit hinde hinde ako magsasawa sa iyo
patuloy na ikay babalik balikan
iyong ganday hinde pagsasawaan!
summit "sea of clouds" iyong matamis na oo sana ay makamtan!



slideshow for bunso dahil hinde sya nakasama sa kanyang birthday climb!



Maraming salamat Mt. Pulag hindeng hinde kita malilimutan, 
dahil sayo narealize ko kung gano kasarap mabuhay!






Monday, February 6, 2012

Mt. tagapo





Mt. tagapo


ilang bundok narin ang aking naakyat
ngunit ni isa
wala akong nagawan man lang ng write -up
kaya sa blog kong ito sisimulan
ang mga paglalakbay ni jojo a.k.a Batulao!


alas-syete ng sabado ng umaga
ako ay natapos na saaking pagbabantay
at pagaaruga sa pasyenteng matanada na at mahina
dali dali akong tumakbo pauwi
excited nakong makita kang muli


oh kabundukan ang iyong ganda
ay muling masisilayan
makakapiling ka sa buong magdamagan
naway kamiy ingatan mo
sa paglalakbay naming ito
at muling ipadama ang pagmamahal mo


ito ang naging IT ng lakad ng grupo  para sa mt. Tagapo!


ITINERARY


0800 meet up at EDSA-Crossing terminal; take jeep to Binangoan. 
( karamihan dito ay tulog pa... si kristinfil ay gising na at 
byumabyahe na papuntang binangonan port)
0900 nagkitakita kme nila elren, rein, eumir, samboi karen at mcdo sa guadalupe
1000 nagkita kme nila sir bugs sa edsa central, shumot ng redhorse at naghintay
kay alvin.


1100 ETA Binangonan port, take passenger ferry to Brgy. Janosa. 
(paalis palng ng bahay si Alvin marin upang kitain at sabay sila pumunta sa crossing ni samantha)


1200 ETA Brgy. Janosa; lunch time arrange for guides,
nagiinom parin kme sa crossing nasa byahe na sila alvin


1300 start trek
naghanap na ng masasakyan papuntang binangonan, hinde pa kame naglunch
nagaalboroto na si kristinfil kasi 9am palang nasa binangonan port na sya hahahaha


1600 campsite ,pitch tent.. 
kakadating lang nameng ng binangonan port, naginom habang naghihintay ng pasahero sa bangka
(wala na kme atay)




1500 ETA summit, photo ops 
kasalukuyang byumabyahe papuntang talim island , ihing ihi na kame lahat! nasa bangka parin. photo ops kasi sunset na


1530 prepare dinner . socials
gutom nako dito eh , register sa barangay deretso start trek! 


2000 campsite na, luto ulam habang inuulan , socials na malupit at kulitan!


2200 lights out

happy people na lahat dito hahahaha. 


0300 lights out palang




day 2


0600 sunrise
(Tulog parin kame)


0730 breakfast
(tulog parin eh! si bugs gising na)


0800 break camp
gising na kme dito . summit assault palang




(kung may dalang alak si missy sa taas shot muna ang pagbaba ay nakadepende sa dami ng dalang alak ni missy) ;p 


 wala silang dala .. pero meron parin kaming naitabi almusal dertso inom again hahaha (wala ng atay)




TBA: start descent
TBA: back at jump-off, take return ferryTBA: ETA Binangoan (kumain ng pares at tatlot kalahting rice na may torta galing kay boss karen)
TBA:ETA Manila (nagkakantahan at nagsasayawan sa jeep,)


1000pm nakauwi ako ng bahay!


5oopm sinusulat ko itong blog na ito hahahaha!

forever alone SOLE boys !
SOLE Chicklets! ^_^
(samantha- me gusta meme kuhang kuha lang. ;p)

Jojo batulao with the chicklet's

Masayang masaya ako sa climb na ito! bakit kamo? basta hahahaha! ang mahalaga masaya ako!
salamat sa inyo. sa lahat ng sumama at kumumpleto ng climb na ito! sa pamilya kong Society of Lost Explorers naway marami pa tayong pagsamahang mga bundok at karagatan hanggang sa muli aking mga kaibigan!




photo credits to: boss karen alejaga




















Thursday, February 2, 2012

dj boombays!

the real deal starts at 05:10

hahaha i was browsing my old school videos when i found this vid. This is our project during our asian civilization class. Our group dressed as Indians took pictures and create a music video for our class to watch! I cant stop laughing while watching it right now. So nostalgic! ENJOY!

teach me how to move it move it


New year 2009 Fernandez siblings



Late na post at hinde natetema sa panahong ito..
isang tanong lang .. pag new year anong ginagawa nio?
itong video na ito ay kinuhaan ng taong 2009
aftter ng countdown kinulit ako ng mga kapatid ko
kuya jo sayaw naman tayo!

hahaha ako ay natawa
sa sobrang kulit nila pinagbigyan ko sila!
I like to move it move it!
yan ang sayaw na pinili ko
kung tatanungnin nyo ko kung bakit at paano?
MA-PA malay ko at paki ko.

hinde ko alam kung bakit
pero naging tradisyon na namin magkakapatid
i like to move it move it
tuwing magpapalit ng taon ay indakin

kwela lang talaga sa mga panahong ito
kame ay masaya... kahit mukha kaming tanga
hahahaha, isang paraan saaming lima
pagbobonding at pagsasasama sama

2010 2011 inyong hintayin.. ilalabas ko rin
ipapaalam ko muna sa aking mga kapatid
sapagkat ako ay sasakalin
pag nalaman nilang ang videong ito ay nadito narin!



Wednesday, February 1, 2012

F*ck


pasensya na gusto ko lang talaga mag mura.


bakit tuwing magsusulat ako ng blog at patapos na.. 
biglang uulan sabay mag brobrownout!!!!
y u no clcik save button... damn i am so stupid!
nangigigil ako ngaun sobra gusto kong sapakin 
computer ko hinde nya naman kasalanan.
asar lang .... haba ng ng nagawa ko eh .. pano na? wala na limot ko na.. 
anak ng tokwa talaga oh. hinde naman ganun kadali mag hanap ng rhyme words kung hinde ka
 rapper hay nako... badtrip lang....... nxt time nalang oh mamaya paguwi. tsssssssssss

Buwan ng Pebrero, Buwan ng pagbabago! FEB-Ibig na nga ba? ...



Ala singko ng umaga, ginising ako ng aking ama
hoy batulao anung petsa na tumakbo ka muna
ang taba mo na!


tinatamad pa ngunit pinilit binuksan ang mata
wala pang maayos na tulog simula ala una
pinilit kong buksan ang aking mata
kahit akoy antok na antok pa.


tiningnan kung may mensahe sa cellphone kong
luma pa kay chitae.
"no message recieve" naibulong sa sarili.
baka kasi nagtxt sya.
pampagana ay pampangiti lang sa umaga.


dali dali akong nag gayak at tumalima sa aking ama,
tumakbo ng tumakbo duon sa serendra.
napagod ako at nagpahinga
kaya sa may tabi akoy umupo muna.


dumampi ang hangin sa aking mukha
malamig, masarap, ligaya aking nadama.
habang nakatingin sa malayo aking napuna
Pebrero na pala!


ito na ang buwan na hinihintay ko
ito na ang buwan ng pagbabago
aking kaarawan nalalapit na
 kelangan kong maging masaya,


akoy saglit na tigilan.. bukod pala sa aking kaarawan
may isang araw din akong inaabangan
Valentines day kung tawagin ng ilan
sana ito ay maranasan.


at ngayong taon ang aking layunin
buksan ulit ang puso kong tigib sa kalungkutan.
pero wala namang problema dyan
sa ngayon ay meron ng kasagutan
sana nga lang pagbigyan.


pero pagamin palang ang unang kalaban
pag tinorpe ka nga naman
kahit pahaging man lang sana kanyang malaman.


bago pa ako mapaamin sa blog na ito
kelangan ko na tong putilin (hehehe)
basta soon malalaman din nya
malalaman mo din ba?


Buwan ng pebrero hayaan mo ako
na damhin ang pagibig mo!
naway maging masaya at makabuluhan ang buwan na ito
sa lahat ng mga magdaraos kasama ko!


isang kasabihan muna bago ko tapusin ito:




"Lagi mong tatandaan, kahit gaano ka-USELESS ang tingin mo sa sarili mo,
isa ka pa rin sa mga rason kung bakit may masayang tao"


- ito ang lagi kong sinasabi sa sarili ko pag nabibigo ako! balang araw alam ko na magiging masaya din ako kapalit ng mga paghihirap at sakripisyong ginawa ko. ;) syempre ikaw rin kaya wag ka magaalala no! dami dami jan eh. hahahaha. parang ako diba? andito lang. lol!








share ko lang to: try try lang ako mag edit edit ng pictures sa adobe.
 nagaaral ako ng vector art dito ako napunta sa silhouette. failed! hahahaha.