Tuesday, May 1, 2012

Kapitan Kamote!

" Look up in the sky! its a bird! oh its a plane! OH GOD WHY it fell down to the Ground! 

Its Kapitan KAMOTE!



Ang bagong super hero ng mga Patatas! tagapagtanggol ng mga naapi at nangangailangan!
Gising tuwing gabi, tulog buong araw. Anjan lang sa Tabi tabi!
Hinde mawawala lalo na sa inuman! sa rakrakan at syempre sa oras ng kagipitan.

Minsan ng nasubok ang kanyang kakayahan ng ang kanyang 
iniirog na patatas ay kinidnap ng kalamigan duon sa tuktok ng kabundukan.
nakipaglaban sa hangin na animoy ipo-ipo at patuloy sa pagbulusok
ilang beses mang nabuwal tuloy parin.
hinde kinaya ng taba at inabot ng matinding lamig.
ngunit lumaban parin dahil nalalagay na sa panganib ang sintang iniibig.
Gumamit ng super strength kahit na nag susuper chill na
inisip nya agad ang kanyang sinisinta! 
sabay buhat at lumipad palayo sa bumubulusok na hangin at kalamigan.
Lahat ay gagawin maprotektahan ka lang Patatas namarikit.

(WHAT I FELT LIKE)

(WHAT PEOPLE SEE ME)



( WHAT I REALLY LOOK LIKE)



sa pangalawang pagkakataon  ang dagat naman ang humamon 
Malalim at maalon,
ngunit hinde parin siya nagpatalo at pinilit sagipin ang patatas sa gitna ng malalim na karagatan
yun nga lang ( marunong bang lumangoy ang kamote at papatas) hahahaha.
subalit datapwat iyong mamarapatin nailigtas parin nya ang patatas ng buhay nya.
lahat kanyang itataya wala lang mangyaring masama sa kanyang patatas.


(Kapitan kamote caught on cam while saving ms. patatas)



Ating sundan ang mga susunod na kabanata. ngunit sanay itoy huli na. 
dahil ayaw nya nang may sumubok ng lakas nya kung ikapapahamak lng ng taong mahal nya.
Pero kahit anung mangyari andito lang sya palagi.
isang sigaw lang ni patatas ay dali daling dadating at ililigtas sya sa anumang kapahamakan.
tandaan mo iyan. ;)


KAPITAN KAMOTE'S famous line while saving her patatas

"wala akong ibang ginusto sa buhay ko kungdi ikaw lang, wala akong ibang hiniling kungdi ikaw lang, ililigtas kita palagi bastat akoy tawagin mo lang dahil wala akong ibang mamahalin kung di ikaw lang"




END.

No comments:

Post a Comment