Monday, April 23, 2012

HInde na natuto.

wow! alas tres na pala mamaya may duty pa.
mejo pagod pero masaya. calaguas island ako ay nagpunta,
nagpapaantok na papahinga at iniisip ka. habang inaalala ang tamis
ng lecheflan mong bigay. (thank you,babaw ko eh no? saya saya ko lang) ;) 
sorry pero hinde parin ako makatulog eh. kaya isusulat ko nalang ito.
 tumatakbo parin sa utak ko mga salitang binitiwan mo.
hinde ako dapat ganito dahil alam ko hinatulan mo nako nuon.
bitay! hehehe. kaya ako nag momove on.
nagpakalbo na nga ako para restart na eh. refresh na back to start.
kaso parang wala namang saysay pagpapakalbo ko.
sa loob ng dalawang linggo. akala ko oo. ok nako. 
limot ko na ang mga sinabi mo. pero ako palay mali.
nang lalo kitang hinde nakita. lalo akong nangulila.
oo tama. namiss kita ng sobra! hinde ko tuloy napansin na lumiliit ka.
kasi dati kasing laki lang kita eh, ngaun hanggang puso nalang kita. ;p
basta sorry kasi hinde ko talaga mapigilan sarile ko tulad ng sinabi mo.
di ko pa ata kaya. ang tindi eh! ang tindi nitong aking nadarama.
feeling ko kasi kelangan mo ko eh... feeling ko lang ha? alam ko namang hinde eh
nagiilusyon lang ako. ;)) pero kasi ang daming bagay na gusto ko talagang gawin for you.
but i cant kasi you wont let me, but dont worry because i understand naman. ;)
haay.. i want to be your superman! kasu super kamote lang talaga ako eh. hehehe narealize ko lang nung nakalubog na tayu eh. wala ako magawa nung nalulunod na tayu eh. dont worry magaaral akong magrescue sa tubig since hinde ka marunong lumangoy! para ako nalang personal life guard mo! free of charge. ;) but then sa sitwasyong yun lalo kong narealize na. ikaw. ikaw nga yun.! itataya ko na buhay ko bastat walang mangyari sayo. (too good ba? thats what i feel for you) i just want to protect you that's all. sana give me second chance, let me prove to you what i can do. para patunayan ko sayong hinde ako too good to be true. 
sana wala ka pang ibang gusto. kung ayaw mo pa ngaun eh di hihintayin ko. ;)
kung ayaw mo talaga.. siguro nga wala na talaga akong magagagawa. pero wag ka magalala
nandito lang ako laging umaalalay. hinde ako lalayo. dahil ang tanging panalangin ko.
ay ikaw. oo ikaw nga patats!



------ nagpapaantok lang, sa mga magbabasa pasensyahan no na! proud lang talaga akong MAHAL KO SYA----- sana maintindihan nyo ;)


Tuesday, April 17, 2012

Shit happens.

alaskwatro gumising ako.
tinatamad tumayo pero dumiretso parin sa banyo.
naligo. kumaen. nagtoothbrush.
nagbihis. nag facebook. nagtwitter.
alasingko na pala. tay gising na po hatid nyo nako sa tulay.
pagdating sa tulay swerte aga ko mauuna ako sa mrt nito.
the fuck. bakit sarado. naghintay 5:45 nagbukas.
alasais pasok ko. quezon ave pa punta ko.
 hinde ko alam panu pumunta capitol.
yari ako nito. 

pagdating quezon ave. 20 mins. wala ako masakyan sa dame ng fx na dumadaan.
jeep bus taxi. hinde ko alam. nagmamaangmaangan. naglakas ng luob magtanong at pumara.
mama capitol ka ba?. hinde sir driver ako. pero dadaan ako ng capitol sasakay ba kayo?.
sabi ko na nga ba pilosopo. pasalamat ka natawa ako. 
boss pasensya nalate ako. ok lang yan first day mo naman sige simulan mo ng paliguan 
pasyente mong nakahiga dyan sa room eight oh five.

lumipas ang oras. tulala lang. nakatingin sa pasyenteng naghihintay umimik.
dumating mga staff nurse. dumaan lang para silang bula biglang nawala.
nihay nihoy eh wala. anu ako palamuti sa pader?
endorsement at case ng pasyente kelangan ko din. care to share?
lumipas ang magdamag. gumalaw si sir. pilit akong inabot kahit hinde nya
maigalaw ang kanyang katawang matigas pa sa kahoy.
kalabit kalabit kalabit. sir anung nagyari sayo may masakit ba?
hinde ko agad naisip natatae na pala siya.

sir wag mo tanggalin diaper mo kakalagay ko lang nyan. 
pinagmasdan ko lang pinilit kong unawain ang kanyng nararamdaman.
napunit ang diaper. nagsuot ako ng gloves. sir tanggalin ko na sinira mo na eh.
pagcheck ko may bavarian na pala. ang bango sakto walng libreng mask sa hospital na to.
tiniis ko nalang ang amoy. mocha flavor ang palaman ng donut na to.
kung naiimagine mo na swerte mo kaisa mo ko. hinde ko lang nakita nilasap ko pa to.

ok tpos malinis na kala ko ok na. may pahabol pa pala.
animoy waterfalls kung bumuga. butas ng bukal. mocha bavarian ay wagas sa paglabas pa.
kumalat hanggang likod nya . bedSHIT, drawSHIT. pillow case at egg crate ummm may palaman na.
kamusta naman ako lang magisa. mga supladang nurse at orderly walang pakikisama.
isang oras din akong nagamoy mocha. hahahaha.

buti nalng hinde matanong ang kamag anak niya. minsan kasi mas hassle pa yung kamag anak sa pasyente eh.nurse anong gamot sa ganyan, anong gamot sa ganito, bp mo nga ako! pag bp sa isa trenta na nakapila. bingi ka na. bwahahahaha.

pagod. pawisan. bored.. malayong byahe. amoy mochang damit. at kadiring post sa blog na ito ang tatapos ng araw ko.
naway bukas pag gising ko hinde na umulan ng TAE. kahit sabi nila sa panaginip ay swerte. sabi nila pera!.
dapat lang kumita. hinde ako maguhuhugas ng pwet ng iba kung hinde ko kailangan ng pera.
perang nagpapaikot sa mundo. kung tutuusin ay wala namng kwenta.

-share ko lang ang buhay ng pdn-




Sunday, April 15, 2012

Effin people!

what the hell is wrong with you people? every f*cking time that im going through this you f*cking laugh about it.! why don't you just shut up your f*cking mouth and mind your own business.  its not funny anymore, your making my life more f*cking miserable! then what you feel so proud about your f*cking self because of what you are doing to me? BIDA KA GANON? pagmamalaki mo nanaman yang mga kasinunaglingan mo?sana minsan isang araw malaman nya lahat ng pinagsasabi mo ng mapahiya ka ng wagas! dont want to step down your f*cking level!  hahahaha well this is all  want to say to  you! FUCK YOU!






Tuesday, April 10, 2012

Someday someone will. ;)



(it will remain as a dream, only a dream)




"It hurts to love someone when you can't tell what you really feel.

because sometimes we get hurt without them knowing.

we get jealous without the right to feel that way.

we want their time without being  in the position to demand from it.

till our heart is breaking in silence, but despite of it,

we continue to love because somehow in this hurtful love

there is still hope of having simple moments with them.

even it will end up as friends."


tutong na ang kamote.










Sunday, April 8, 2012

Strawberry 100%

Its just that I really like you
that thing I like the most is that
I'm the happiest when Im with you.
Is that a good enough reason for you?
It's ok if i don't hear your reply,
It's enough if I can just let you know how i feel.
It's also ok if you like someone else
If i can just talk and laugh with you everyday
It's enough.
from now on I hope we continue to get along.

-satsuki

Wednesday, April 4, 2012

Gising na.

its been 4 months 3 days and 16hrs 20 mins and 16 seconds and still counting
since I met this Girl. yung babaeng hinde mo akalain na mahuhulog ka ng todo.
in the first place eh hinde ko talaga pinapansin kasi I have my standards
(kapal no kala mo gwapo) I mean kasi unang una gusto ko sa babae eh chinita
maputi yung mukhang korean or japanese basta ganon.
pero hinde ko akalain na mas hihigitan nya pa yung standards ko.
hinde ko akalain na mahuhulog ako ng todo.
yung tipong nasa kanya na lahat ng hinahanap mo.. maganda, matalino, mahinhin, may sense kausap, yung tipong angat sa ibang babae talaga.. bukod  don punks pa. :) sino ba namang lalaki ang hinde mahuhulog sa knya ng sobra. yun nga lang hinde nya alam na ganun sya.. tama ba? ;) 
at marami pang iba kung iisaisahin ko malamang tatamarin na kayong basahin tong blog ko. :)
sa loob ng maikling panahon na yan.. gumigising ako ng laging may ngiti saking labi
lahat ng bagay ganado ka gawin. lahat ng lutuin kelangan masarap kasi iniisip mo panu kung sya kakain nito magugustuhan nya kaya to? ;) 
lahat nalang ng bagay gusto ko i connect sa kanya .. bakit? eh kasi masaya..
masaya yung pakiramdam mo eh. masaya na lagi mo syang iniisip.. 
masaya na kahit wala sya sa tabi mo eh pakiramdam mo andyan lang sya.
masaya na para kang lumilipad sa kawalan yan ang pakiramdam.
walang makakumpara sa mga panahon kong  sobrang saya
sa mga bundok na sya'y kasama..
pakiramdam ko ako ang kawal na proprotekta sa mahal na prinsesa
na lahat kaya mong gawin para sa kanya. kahit baliktarin ikot ng mundo gagawin ko
mapasaya lang sya. hahahaha. 
alam mo yung feeling na lagi mong hinihintay tumunog yung cp mo?
 lagi mong inaabangan kung sya na ba yung nagtxt sayo.. hehehe tpos kahit blangkong txt lang sobrang kinikilig kna. wrong sent lang naman pala ;) tpos hinde kna mapakali pag hinde nagreply iniisip mo lagi kung may nagawa ka bang mali oh may nagawa ka bang masama yung tipong natatakot ka kasi baka magalit sya sayo at hinde kna kausapin ;)) nakaktakot nga yun.
pero hinde parin mawawala yung mga bagay na ganon, may mgagawa at magagawa kang mali
na hinde mo naman sinasadya dahil nadadala kalang ng emosyon mo. which is aminado naman ako na mali talaga. na darating din pala yung araw na magagalit sya sayo. mahirap pla yun noh? yung taong
nagpapaikot ng mundo mo nagpapasaya sayo biglang hinde kna kakausapin. wag nyo ng itry promise!;) madrama baka lumayo ;) 
hay Lord thank you kasi pinakilala mo sya sakin sobrang inspired talaga ako since nung araw na malaman kong nalaglag nako despite na ayaw nyang mahulog ako sa kanya. Sorry pero hinde napigilan. siguro tama nga sila. masarap ang bawal. masarap mahulog kahit dipwede.. hinde parin talaga nawala sa personality ko yung pagiging anti-social sinabi ng bawal go parin ;))
ok lang hinde ako natatakot eh.. hinde ako natatakot na sana balang araw magustuhan mo din ako.:)
. na balang araw ipaghanda kita ng kakainin mo.na balang araw ihahatid at susunduin kita sa trabaho mo. na balang araw dadalhin kita sa mga lugar na gusto mo. na balang araw makasama ka hanggang pagtanda .na balang araw payagan mo kong mahalin ka ng todo. sabi ko sa sarili ko hindeng hinde ako magsasawa gain tong bagay na to once na pansinin mo din ako. hahaha 
pero siguro tama nga sila. may mga bagay talagang hinde para sayo. may mga bagay na hanggang dito nalang at hinde kna pwedeng lumagpas pa dyan. mga bagay na kelangan mong tanggapin at panindigan. haha sana nanaginip nalang ako. sana lahat ng to isang malaking panaginip nalang. umaakyat ako ng bundok kahit mataas pa yan kakayain ko yan kasi hinde ako takot mahulog. hinde ako takot mahulog kasi alam kong masakit. pero hinde ko inaasahan na ganito pala kasakit. sabi ko sa sarile ko handa ako sa lahat ng yan kasi alam kong dito rin ang punta nyan. kulang pala ko sa paghahanda hahahaha. please paki gising nako. gisingin nyo nako kasi binabangungot ako. ayaw ko ng ganito hinde ko kaya. gisingin nyo nako .... ang hirap tumawa ng ang bigat ng dinadala. gusto ko lang makalimot na. alam ko malakas ako pero dito lang talaga ako mahina hahahaha . kaya please gisingin nyo nako.