naiinis ako. dahil pangalawang gawa ko na ito
mas maganda yung una ngunit hinde ko na maalala
mga salitang ginamit para sa panitikang naiis ipamahagi
sa mga taong ang libangan ay ganitong uri.
pipilitin kong isipin sa abot
ng aking makakaya.
alalahanin mga salitang nakakahumaling.
mga salitang nauna ng naibahagi at naisulat
bago pa man mawalan ng elektrisya
(sa abot ng aking makakaya ito nalang ang naalala)
habang ginagawa ko ang blog na ito
ay kasalukuyang tumutulo ang sipon ko
kakatapos ko lang kasing linisan
ang elektrikpan na sampung taon
na atang hindi napunasan,
at habang ako ay pawisan
nais ko munang pasalamatan ang taong
nagmulat saakin sa ganitong kalokohan
sam payaso ang kanyang ngalan.
(hahahaha)
hinde ko alam bakit ko ginagawa ito
epekto ata ng alikabok na nasinghot ko
alikabok na pilit nagsumiksik sa butas
ng ilong ko upang bigyan ako ng talino
upang ibahagi ang nialalman ng utak ko
hali na kayo at magsilapit kahit man lang saglit
dahil dito ko iaawit mga nararandaman ng utak kong paslit.
dito aking ibabahagi mga kwentong walang kwenta,
mga balitang nakakalat aking isisiwalat,
mga tulang makata na pipilitin kang tumawa

oh sya sya. akoy magpapaalam muna
dahil akoy may gagawin pa.
pagiisipinan ko pa kung paano ko sasabihn saaking sinisinta
tunay kong nararamdaman para sa kanya.
abangan mo ang susunod na kabanata
dahil sa labidoodz ko iaalay ang susunod na pahina
ng aking panitikang wagas kung
makasita sa mga nararamadaman at nakikita ng iba! hahaha
sa ngayon alam ko itoy wala pang kwenta
ngunit sa mga susunod na post ko ikay humanda na
dahil pag tinamaan ang utak ko ng lintik
dito mo mababasa ang bagsik ng hagupit sa panitik.